TUNOG PINOY! KWENTONG PINOY!

Related image

Original Pilipino Music o Original Pinoy Music na mas kilala sa tawag na OPM,  tumutukoy sa mga kantang Pilipino, mga kanta na ginawa at kinanta ng mga Pilipino para madinig ng mga kapwa Pilipino at maging ng ibang lahi. Ilan sa mga matutunog na pangalan na nagpasikat ng OPM sa bansa at iba pang karatig bansa ay sina Freddie Aguilar, Regine Velasquez, Sharon Cuneta, APO Hiking Society , Janno Gibbs, Ogie Alcasid, rico Puno, Lea Salonga, Francis Magalona, Andrew E., Gary Valenciano, at marami pang iba.

Kapansin pansin din ang pagmamahal ng mga Pilipino partikular na ang kabataan sa musika ng mga banda, katulad ng Eraserheads, Parokya ni Edgar, Silent Sanctuary, Rivermaya at iba pa. Eraserheads, isa sa mga popular na banda sa Pilipinas na nag marka ang kanilang musika sa puso ng mga Pilipino, ang banda na ito ay binubuo nina Ely Buendia, Marcus Adoro, Buddy Zabala at Raimund Marasigan, nag simula ang kanilang banda nuong 1989 at naging isa sa mga matagumpay, maimpluwensiya at makabuluhang banda sa kasaysayan ng Philippine music, madalas nga matawag ang bandang ito na “The Beatles of the Philippines”Ilan sa mga kantang pinasikat ng Eraserheads ay Pare ko, Ligaya, Magasin, Tindahan ni Aleng Nena, Ang Huling El Bimbo at marami pang iba.

Image result for eraserheads

Nakakatuwa na habang sinusulat ko ang blog na ito ay naririning kong nagkakantahan ang aking mga kapitbahay at tila ba isang kapalaran na ang kanilang kinakanta ay “Ang Huling El Bimbo” ng Eraserheads. Napag desisyunan ko na ang ibahaging kanta para kumatawan sa OPM para sa blog post na ito ay “Ang Huling El Bimbo”, ang kantang ito ay isinulat sa taong 1995 at nilabas nuong 1996 bahagi ng kanilang album na “Cutterpillow”. Ang kantang “Ang Huling El Bimbo” ay isinulat ni Ely Buendia, ayon sa kompositor na si Ely Buendia ang kantang ito ay melodrama na tungkol sa isa sa mga popular na sayaw nuong 70s, ito ay pinukaw sa istorya ni Buendia nuong siya ay bata pa tungkol sa kanyang titser na nagturo sakanya sumayaw ng El Bimbo. Ang kantang “Ang Huling El Bimbo” ay lalo pa pinaganda at binigyang kahulugan dahil dagdag na istorya rito, kung mapapansin ang kuwento nito at tungkol sa one-sided love  ng isang lalaki sa kanyang kababata na nauwi ang buhay sa trahedya.

Image result for Ang Huling El Bimbo

Ang kantang ito ay isa sa masasabing kasali sa “All time favorite songs list”  ng mga Pilipino, lalo sa sa mga kantahan sa mga pagtitipon. Masasabi ko rin na ito ay isa sa mga di makakalimutang kanta at walang kamatayan dahil tuwing maririnig ang kantang ito ay hindi mo maiiiwasan gunitain ang iyong kabataan lalo na ang ating mga first love. Ang mga kabataan ngayon ay mapapansing mas sentimental, tuwing maririnig ang kantang ito ay hindi maiiwasang sumabay sa kanta at agos ng kanta, napatunayan ko ito sa nangyari kamakailan lang, sa aking eskwelahan nagkaroon ng konting kantahan at ang mula sa aking paaralan ay kinanta ito sa harap ng mga estudyante, nakakatuwang marinig ang mga tilian naming mga babae maging mga lalaki nang mag simula ang kanta at tila ba lahat kami ay kinikilig, buong kanta ay sumasabay halos lahat ng estudyante na para bang may nagsabi na dapat memoryado namin ang kanta, wala kaming kamalay malay at tila ba lasing ng dahil sa kanta. Ang kantang ito ay magpaparamdam sa iyo ng saya, kilig at maging lungkot, sumasalamin din ito sa mga pangyayari nuon hanggang ngayon, ang pagiging bata at ang karanasan na maramdaman ang unang pagmamahal, ang lungkot ng one-sided love at ang mapait na trahedya na ikalulungkot at ikakadurog ng puso mo, at ang tanging panghahawakan na lamang ay ang mga alaala. Ito ang nagsasabi kung gaano kalakas ang mga alaala, na kahit gaano kasakit na may mawala ay ang magpapanatili sayo ang mga masasayang alaala na tumatak hindi lamang sa utak kundi maging sa puso. Nakakamanghang isipin na ang tagal na ng kantang ito pero buhay na buhay parin sa ating mga puso at hindi na matanggal tanggal at makalimutan, maituturing na ang kantang “Ang Huling El Bimbo” ay isa sa mga maalamat na kanta ng Eraserheads at ng OPM.

Image result for ang huling el bimbo

Ang mga kanta ng Pinoy ay may istorya at may tiyak na may tama at babaon sa puso ng bawat tao, maaaring ito ang dahilan kung bakit natin mahal at dapat mahalin ang sarili nating musika. Saan ka pa ba makakahanap ng musikang may dugong Pinoy, bahid Pinoy, kwentong Pinoy at may pusong Pinoy?

 

Image result for OPM

Sources:

http://bauzon.ph/store/index.php/product/ang-huling-el-bimbo-art-print/

http://metrogig.ph/blog/2016/06/01/metrogig-band-review-eraserheads/

https://pirates-forum.org/Thread-OPM-Original-Pilipino-Music-Release-Group

https://www.onemusic.ph/news/list-i-love-opm-s-top-24-250

 

 

Leave a comment